Post with 1 note
Intro: Naka-backpack pa ako that time, laman ay mga school shits, including drawing instruments, photocopies of lectures(tamad magsulat) at kung ano ano pang shit.
Storyline:
January 15, 2010 8-9pm pagkababa sa barrio tapat ng NAIA 3,bumili ng maisasalpak sa bunganga ng mga bulate ko sa 7-11 ng sangkatutak na yakisoba( 4packs). Bumili din ako sa tapsihan ng Longsilog (scrambled egg style nun) and then bumili pa ng Mountain Dew Code red sa nadaanang convenient store…9pesos yakisoba x 4= 36 + longsilog 50php + m.Dew 20 =106..takaaawww!!!
POWER DINNER!!
Pauwi na ako ng nadaanan ko isang grupo ng mga low-life dead hungry EMOng hiphop na gangsters…kasama mga Biyats nila(todo lait) na nakatambay sa tapat ng saradong hardware store.Malayo palang ini-scan nila ako.. with their fucking eyeballs…
Natapat na ako sa kanila naglalakad,nakikiramdam, na gamit ang peripheral vision with matching 360 degree view(palingon lingon parang praning). 5 meters palang makalagpas, Narinig ko ang katagang “Pare yan nalang itrip naten”, lalo akong naexcite este napraning at sabay kunot noo salubong kilay, pati pala ung paglakas ng grip ko sa plastic bag isama mo na..clenching ba tawag dun?ah ewan..
Suddenly pagkalagpas ko ng mga 15-20 meters narinig ko(bionic ears?) Oo nga narinig ko!! amp, Di lang yung naglalakad ng mabilis o tumatakbo… they are SPRINTING towards my back… oh sshhit!! nag pump-up ang adrenalines ko kung meron man ako nun at napatakbo ako with VELOCITY (wow ano yan?!!) speed with direction po (e.g tumatakbo ako 30 kmph, west.) So ayun nalagpasan ko lahat ng obstacles na:
*mga nakapark na sasakyan
*tubig burak sa kalsada(pasay un eh)
*at higit sa lahat Camouflage SHITS( pasimpleng tae ng aso na nakabalandra sa dilim na naghihintay matapakan ng tatanga tangang nilalang)
Eto na climax: malapit na ako sa kanto namen, sumigaw yung isa “putang ina mo ka!!!!!!! saken, ako rin sinabi ko rin yun,sa loob loob ko nga lang, baka maabutan ako pag tumigil ako at sumigaw din…karuwagan ba yun o mautak lang tlga? hehe
Dali dali kong binunot ang purse ko kung saan nakatali ang susi ng gate namen.
Taeeee sa sobrang adrenaline pagbunot ko, tumalsik naman purse ko, nung pinulot ko agad ang purse, naspotan ako ng isa sa humahabol saken,sabi “TANG INA MO KA” .. minura ko rin sya ulit sa loob loob ko habang dali daling pabalik sa gate para buksan…tae kase sila ate taba at kuya taba, laging sinasara ang gate..(natutulog na sila baka madapa sa panaginip yun tsk tsk tsk) hehehe .. i dont care eh eh eh eh errr… (me ganon?) paksyit… balik tayo sa pagpasok sa gate.. ayun pagkahawak ko sa susi ,sabay saksak sa knob, at pihit pakanan, YES!! sucess!! Pasok agad ako at isinara ng malupet,( nakalampag ang buong gate na talagang nagdulot ng ingay at umagaw ng pansin sa landlady at kina kuya taba at ate taba.
Yun lang kwento ko.. nakapasok na ko gate eh… ang galing galing ko… haha(pinuri sarili) bwahaha eto na pagkakataon ko para makapag mura ng malupet para sa mga dead hungry gangsters na yun BWAKANANG INA NYO , MGA GAGO!! *angst*
eto pinakamasaya : niluto ko ang yakisoba na spicy chicken flavor. 4 at the same time… power food trip eh…
at binuksan ang notebook ko para maglaro ng plants vs zombies, mini-games, tapos ko na adventure nun eh.. at nagdilig sa Zen garden…
sa sobrang saya kaka nut-bowling(pvz mini-game), nakalimutan kong nakasalang ang yakisoba ko, ayun over cooked. pero talo talo parin un… un ang pinakamasarap na yakisoba, dahil muntik na ako mabuntal .. ang sarap sarap sa pakiramdam ..bwahaha
yung longsilog pala, nilamon ko rin agad after ko kainin yakisoba.Yung M.Dew ayun lata nalang, andun parin sa trash bag ko panigurado.. nakalimutan ko ilabas basura ko bago umuwi dito sa cavite. niceee!!
Kung umabot ka sa parteng to ng blog ko… salamat sa pagbabasa, i love you !! wahaha
break it down….. yo! ;)